Ang kwento ng "Mensahe ng Butil ng Kape" ay sumisimbolo sa isang tipikal na ama na naglalayong ikintal sa puso't isipan ng isang anak ang kanyang pananaw sa estado ng kanilang buhay. Sa huli ay nabigyang linaw ang anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng ama ng halimbawa kung saan ginamit niya ang carrot, itlog at butil ng kape na inilagay sa magkakaibang palayok na may lamang kumukulong tubig.
Ang carrot na sa una'y malakas ngunit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina. Ang itlog na dati ay may maputi at manipis na balat na nagsisilbing proteksyon sa likidong nasa loob nito, na matapos maihalo sa kumukulong tubig na nasa palayok na sumisimbolo sa taong nagkakaroon ng matigas na kalooban ng makaharap siya ng suliranin. Samantala, sa kabila ng pagbabagong iyon ng carrot at itlog matapos ihalo sa kumukulong tubig, tila nangibabaw ang katatagan ng butil ng kape bagamat nalusaw ay nagbigay naman ito ng karagdagang kulay at karagdagang sangkap ng kape.
Binanggit rin ng ama na ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kung saan, pinapili niya ang kanyang anak sa pagitan ng carrot, itlog at butil ng kape kung alin siya rito. Sumagot ang anak na siya daw ay magiging isang butil ng kape.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento